Tuesday, August 21, 2007

Takot maligo

After one year nakita ko na rin yung kabarkada ko. Dito na kasi siya magsstay for good. Wala namang nagbago sa kanya ganun na ganun pa rin. Tapos tawa kami ng tawa nung nagkkwentuhan kami about sa mga highschool memories haha as in ang sakit ng tyan ko. Nakalimutan ko na nga yung time na dati bumili kami ng lunch sa cafeteria. Tapos si Monic nagbili ng giniling. Tapos magtingin niya sa rice may dry na maggot. Nagiisa lang siya. Tapos sabi niya Ate!!Ano to?? (Handing the maggot over to ate) Tapos sabi ni ate Ha? Wala naman eh! Sabay durog sa maggot. hahahahaha astig.

Anyway kanina nandito yung friends nung kapatid ko so shempre nagprepare naman ako ng pagkain being the "ate" at ako lang naman nandun sa house. Mamaya nagkakaraoke na yung mga ugok tapos yung kinakanta hollaback girl. So nakinig ako tapos tawa ko ng tawa (nasa room kasi ako) sabi nila...

OOoohhh this my UGGGHH this my UGHHHH

ooooooooHH this my UGHHH this my UGHHHH

Hahaha, kasi nga naman hindi nila pwede sabihin yung shit pero bat naman UGH diba. Mga bata talaga, ang cute pa ni emilia ang taba na taba as in siksik,mga 5 lang siya tapos blonde na blonde.

Nanood din ako ng filipino movie. Kaya ngayon hindi ako makaligo ng maayos or makapagisa ng maayos. In fairness nakakatakot. Si Oyo boy chaka si Angel Locsin. O diba kajologan at its finest. Sobrang matatakutin kasi ako nababakla ako sa mga ganyan. Kasalanan kasi nung mga katulong namin dati, pinanood sa akin yung halimaw sa banga. leche yan. Pero mahilig ako manuod ng horror. Muahahahahaha alala ko pa yung shake rattle and roll yung may siokoy tapos yung magandang gabi bayan pag november. EEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home