Saturday, August 18, 2007

20 Things I wanna say to random people

Pass around!

Instructions are to write down something you've always wanted to say but could never really say, to 20 people... The catch is, you can't say who you're saying them to. so, random to ha!! kung mahuhulaan mo man kung sino-sino sila, edi masaya! goodluck nalang sayo! *perfect sa may mga kaaway, may katampuhan, at may mga ispesyal someones hehehe.

1. Anong oras ka kaya uuwi? Gusto ko pa kasing matulog eh magagalit ka naman pag nakita mong buong araw na akong tulog.

2. Siguro nga totoong nagtratrabaho ka na sa classmates sa quezon ave. hahaha pero ok lang yun kasi sabi mo ikaw na magbabayad ng pamasahe ko. kaya lang barya. masyadong mabigat yun girl kaya kung ako sayo bills nalang ;P hahaha, siguro busy ka ngayon sa thesis mo. sana masaya ka pa diyan.

3. Ang tagal mo magreply! Bilisan mo na aalis na ako dito, gusto na kitang makita. Pero feeling ko naman kahit na anong mangyari e magkikita at magkikita pa rin tayo. Tignan mo sinundan mo pa ko dito hahaha sana matuloy bukas!

4. Natutuwa naman ako na kaibigan kita kaya lang minsan kakaiba ka e hahaha pero most of the time masaya naman ako na kasama ka. Kasi parang medyo meron kang mga ugaling pilipino. Chaka salamat pala kasi pinagdrive mo ko at sinasamahan mo ko pag nagoovernight ako sa studio, although kaklase kita at kahit minsan ayaw mo na gumawa, sinusunod mo parin ako pag pinipilit kita na tapusin yung work mo.

5. Sorry kasi alam ko trinutrust mo ko and minsan hindi na kita maasikaso. Ang dami kasi nating ginagawa minsan tapos nagkaiba pa tayo ng professor. Masaya ako kasi nakahanap ka ng mga bagong kaibigan at nadagdagan pa kami. Wag mo na pansinin yung mga ibang taong pinapansin yung mga actions mo, narrow minded lang talaga sila. Lahat naman tayo may mga flaws sa katawan e.

6. Malapit na kita makita. Wala akong masyadong balita sayo. Sana kilala pa kita kasi pagbalik ko marami pa tayong paguusapan. Sana ok ka lang at ang family mo. Gusto ko lang malaman mo na i can never meddle sa mga problemang pampamilya. Pero ikaw, kaya kitang tulungan. Just let me. Kahit na hindi na magwork out kung ano mang magwowork out basta matulungan kita para you'll be a better person. Para makaconcentrate ka na sa studies.

7. Wag mo ko isasayaw bukas! Haha cge na kumain ka nalang sana ng kare kare. Dalhin mo rin yung wii nyong magkakapatid para maglaro uli tayo ng tennis at bowling. Yung boxing din ang saya hahaha. Lagi mo nalang ako sinasayaw eh sumasakit na yung balakang ko. Matanda na ako iho.

8. Pagaling ka po. Antayin niyo po kami uuwi rin kami diyan. Sorry po sa lahat ng nagawa ko dati. Alam ko miss na miss ka narin ni mommy.

9. Tangina naman e bat ngayon pa kayo pupunta?? haha tinatamad pa ko magayos ng bahay.

10. Hoy ang saya saya mo ngayon ah. haha. Masaya ako kasi mukhang masaya ka diyan. Gusto ko lagi kang masaya. I owe a lot to you. Marami akong naiimprove sa sarili ko dahil tinuruan mo ko makita yung mga mali ko. Nakakatawa ka pa rin baliw ka pa rin. Forever ka namang magiging special dito sa aking puso (hahaha). Mahal kita at magingat ka diyan alam kong alam mo yun. Basta salamat sa lahat. You made me a better person.

11. Hoy nakakainis naman hindi natapos yung pinaguusapan natin. Lagi nalang ako niloloko ng boypren mong baliw. Isa ka sa mga trinetreasure ko kasi hindi ka takot na sabihin kung kelan ako mali. Haha tinignan ko nanaman yung regalo mo sakin, ikaw yung nagpapangit nung picture e. hahahahaha

12. Diyos ko magpakabait ka sana. Alam ko namang mabait ka kasi medyo nakasama na kita. Pero ngayon kasama ka sa ating tirahan hahaha magkukulambo na talaga ako. Bat naman kasi wala sa mga kaibigan nating babae ang nakatira sa apartment. Minalas lang tayo na lahat sila may bahay na malapit sa school.

13. Kung gusto mo makukuha mo yan. Basta sa hindi masamang paraan.

14. Naawa rin ako sayo minsan. Pero alam kong hindi dapat dahil hindi ka naman helpless. Lahat ng tao may mga down moments pero makakabangon ka rin. Basta always pakiramdaman mo na kahit na ganun ang mga tao opinyon lang yun baka makatulong sayo para maimprove mo sarili mo. Kaya mo yan, wag kalang manapak ng ibang tao.

15. Haha goodluck sa babaeng nililigawan mo. Sabi na nga ba siya yung gusto mo e, kasi lagi kayong magkasama. Ngayon ko lang nalaman magkaklase pala kayo dati. Alam mo kahit na iniisip ng mga tao na average joe ka lang...nakikita kita for who you are. Salamat dahil sinasamahan mo ko kahit na minsan pinipilit na kita. haha

16. God, you can be a bitch sometimes. Pero mahal pa rin kita at sana alam mo yun. Ako din nagmamaldita sayo minsan kaya pagpasenshahan mo na rin ako.

17. Kung ano man po yung purpose niyo for me, cge gawin niyo lang basta help me be closer pa to you. Minsan kasi i think i'm really losing you. Make me believe again.

18. Kayang kaya mo yan. Ok yan at ngayon hindi ka na naiinsecure sa sarili mo. Basta be happy and everything will follow. Lahat ng nangyayari ay may purpose and its good na natuto ka ng tumanggap at makita na hindi lahat ng obstacles e masasamang experiences. Kita mo natulungan ka pa nga e.

19. Hindi ko alam kung gusto mo ko. Ok lang sa akin. Lahat naman tayo may sariling opinion e. Eto ako tanggapin mo kung anong nakikita mo kung ayaw mo ok lang. Lahat ng sasabihin mo about me tatanggapin ko rin kasi by the end of the end, ako ang nakakakilala sa sarili ko.

20. Pasensha ka na kung nasaktan kita noon...alam kong mali ako. Sana pag naisip mo ko kahit minsan lang, malaman mo na nireregret ko yun. Masaya ako masaya ka. Naging mabuti kang kaibigan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home